"ako iyang nasa larawan, hinuli ko ang aking anino. aninong hindi kailan man'y humiwalay sa isang pangako."


nawili na naman akong gumawa nang tula.
ilalahad mga agam-agam ng buhay at wag ka namang matutulala.
ito ay panibagong yugtong aking sisimulan.
hindi ko naman nais talikuran ang aking nakaraan.
dahil patuloy pa rin akong magmamahal.
hindi kailangan ang umatungal.
kung nasaktan man ay hindi na dapat pang balikan.
sapagkat dalawa tayong makikipagsapalaran.






If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Monday, April 02, 2012
:: sagot sa iyong tulala ::

batid ko ang iyong mga agam-agam
sa pangyayaring hindi ko nais iparamdam
ang mga sakit at pangungulila
ang siya palang tuminag sa mga salita

sa bawat oras o sadaling akoy malayo
duon ko naramdaman na akoy mahal mo
nagkakandarapa kat humihiling ng pagasa
ngunit ang pusoy pagal pat may dusa

batid kong ang puso moy nagbitak
sa lalim ng sugat na ako ang nagtatak
kapwa nagpasya ang mga pusong may luha
itutuloy ang buhay at susulat pa rin ng mga tula

madalas kong hamunin ang panahon
duon ako natutong lumaban at huminahon
ngayon muli ko itong hahamunin
sa pagasang maibabalik ang saya sa mga damdamin



-tsinita-
02/04/2012


 


Posted at 02:45 pm by tsinita
Make a comment  

Thursday, October 06, 2011
:: PANAGINIP LANG PALA ::

sa panaginip lamang pala

magagawa ang mga imposible

pangyayaring hindi mo aakalain

na maaring maganap

hindi naman ako hibang

ngunit aakalain mo bang

duon ay maaari kang maging masaya

kung ganun'y akin itong kasasabikan

minsan nanaginip ako, lumilipad

sumasabay sa mga ibon

nahahawakan ang mga ulap

na sa aking pisngi'y humahalik

minsan naman'y nanaginip ako

naglalakad sa ibabaw ng tubig

ang mga isda'y walang tigil sa paglangoy

at marunong itong mga manalita

minsan muli akong nanaginip

tayong dalawa, magkasama

nakaupo at magkahawak ang mga kamay

nagaabang sa paglubog ng araw

masaya at mahinahon

walang iniisip kundi ang bawat isa

bigla akong nagising sa realidad

sa kabilang banda panaginip lamang iyon

maaring maging makatotoo

paano kung ang mga imposible

sa aking panaginip

ay hanggang sa panaginip na lamang

o itoy isang anino ng kasalukuyan

muli kong ipipikit ang aking mga mata

hihintayin muli ang tagpong iyon

at sa paggising alam kong nariyan ka

ang panaginip ay isang panaginip lamang

sapagkat ako mismo ang gagawa

nang aking ikasasaya

salamat sa panaginip at akoy nagising.

-tsinita-

05/10/2011


Posted at 09:41 am by tsinita
Make a comment  

Sunday, May 22, 2011
:: galing sa friendster.com ::

hinalungkat at inukilkil ang pahina ko sa friendster.com

mayroong porsyon duon na blog at tinawag kong

tsinita's pen sa baba nuon may kapsyon na ganito

"the tip of my pen writes every line of my heart"

ito naman isa sa sinulat ko dun nuong July 31, 2009 @ 11:23 pm

hayaan ang pusong nasaktan

ikaw’y hindi naman malilimutan

kung sa kasiyahan’y hindi madatnan

nasanay na ang puso sa kalungkutan.

-tsinita-

31/07/2009


Posted at 10:55 am by tsinita
Make a comment  

Wednesday, May 18, 2011
:: IBA KAW EH.. ::

mahilig kang magbasa ng libro
ako mahilig tumulala.
mas magaling kang sumayaw sa akin
pero tinalo kita sa kantahan.

sadyang maliliit ang iyong mga hita
medyo mahaba naman ang biyas ko.
malamlam ang iyong mga mata
kasing guhit naman ang sa akin.

mas malimit akong topakin
ngunit mas magaling ka namang aktor.
iniisip ko kung marami ang pinagiba
paano tayo naging magkasama?

totoo kayang may mahikang nababalot
sa pag-ibig?
nooy'
hindi ako naniniwala sa bawat tibok ng puso
mong iniukol mo sa akin... ngunit
ngayon
magpapadala ako parang agos ng tubig,
maniniwala na maaring magsama, mahawakan
at maging isa ang ating mga puso.


-tsinita-
18/05/2011


Posted at 10:51 am by tsinita
Make a comment  

Tuesday, May 17, 2011
:: JUST A THOUGHT ::

i

saw

a

white

strand

of

my

hair.

the

black

hair

started

to

fade.

then

i

wondered..

if

my

hair

turns

into

white.

would

you

still

be

there

to

love

me?

-tsinita-

17/05/2011


Posted at 10:56 am by tsinita
Make a comment  

Saturday, April 23, 2011
:: SINIKIL NA PAGMAMAHAL ::

sa tuwing naaalala koy napapabuntong-hininga na lamang ako

mga salita mong kinulong sumambulat at nakasakit sa akin

ang pagitan ng ating espasyo milya-milya ang agwat

ngunit nariyan ka pa rin tinitiis, sinisikil ang pagmamahal

kung kailan nakamit ang tahimik at payapa

natamo din ang pagluha ng mga bituin

huwag sanang mapagal pati ang kaluluwa

sanay maiintidihan ng isip ko, lalo na ang puso ko.

 

-tsinita-

23/04/2011

 


Posted at 10:59 am by tsinita
Make a comment  

Thursday, January 13, 2011
:: unang tula sa 2011 ::


nais ko na talagang mag-iba ang ikot ng mundo ko. mabilis man o mabagal ito. turuan mo kong kontrolin ang lahat. alam kong ikaw nga ang tutulong linisin ang mga nagkapira-pirasong mga kalat.

ngunit kung sa kabilang dako'y may naghihintay. mananatili akong mag-isa aangkinin ang panlulupaypay. ang panahon'y nakikilaro sa pag-usad at ako'y kanyang dinadaya. ngunit ngayon'y hahayaan ka muna tatanawin ang iyong pag-alis... kahit na hindi ko kaya.



-tsinita-
10-01-2011


Posted at 01:38 pm by tsinita
Make a comment  

Thursday, December 23, 2010
:: bente-dos ::

kasama ka sa paglakad kanina
mabilis kang umusad palayo sa akin
hindi ka lumingon tawagin man kita
susundan ka iyon lang ang aking gagawin.

pinalampas ang pagkakataong ito
napahikbi kasabay nangilid ang luha
ikaw nga ang nagpaiyak sa puso ko
ngunit ikaw pa rin ang aking musa.

kung may panahong ako'y tuliro
ako'y nangungulila lamang sa iyo
kung ang kabutihan mo'y nahihimay
sana'y mabuo sa aking mga kamay.

palalayain ba kita sa aking pagkakahawak
at hahayaang magulo yaring utak
muli akong susulat ikukulong sa mga tula (magpapakabait na po pangako)
iuukit at ipapaskil upang hindi na mabura.


-tsinita-
22/12/2010

::naalalakorinangpetsangitongunitnagkibitbalikatkalamang::



Posted at 09:39 am by tsinita
Make a comment  

Saturday, October 23, 2010
:: MY BROKEN HAVS ::


i use my havs in leaving someone else's life
but my havs had left me broken like my heart used to
a great feeling when i found myself
with someone guiding me through from walking
we walked together step by steps
more than enough to feel that we have each other
the long wait is finally over
this is i really wanted
and i promised to myself
never to let you go
i'll hold you the way you hold me
and willing to give all i have
without asking in return

i love you.


*gustomongkeso?*



-tsinita-
23/10/2010






Posted at 10:33 am by tsinita
Make a comment  

Monday, October 11, 2010
:: SAMPU, TEN, ASHARAH ::

hindi ko naman ito paboritong numero
at lalong wala ring koneksyon sa buhay ko
matatapos na rin ang araw na ito
makagawa na lang ng kwento

maganda lang isulat upang magkaron ng marka
normal pa rin ang takbo ng panahon kahit wala ka
kaya ko huwag ka nang magtaka
ang tanong ko ay kung paano ka

napunuan na nga ang espasyong iyong iniwan
pitong buwan makalipas akin ng natagpuan
marahil mahirap ding maintindiha
kung baket ang kahapon'y madaling nakalimutan

may bagay kasing panahon ang nagsasabi
kung kailan ka muling ngingiti
ngunit ikaw naman ang makakapili
nang tunay na ligaya iyong hindi ka na hihikbi.



-tsinita-
10/10/10





Posted at 09:43 am by tsinita
Make a comment  

Next Page